maagang matulog para maagang gumising o maagang gumising para maagang matulog?
This past few days kasi eh parati na lang ako tanghaling nagigising. As in literally tanghali, pinakamaaga na yung 11am. Basta ang magigisnan ko na lang na panoorin eh Boy and Kris o kaya Game KNB? o kaya pinkamalala, Wowowee.
At dahil dito, marami akong namimiss na gawin.. katahimikan, para sa magandang pagdedevotion, makipagkwentuhan sa mga kamag-anak na maagang gumising, laruin ang mga makukulit na pamangkin, panoorin ang mga cartoons na pang-umaga, mag almusal at mag-exercise..siyempre, ang matulog ng maaga rin...
Next week, pasukan na naman, kailangan na naman gumising ng maaga, lagot ako kasi sira na ang body clock ko, ayaw ko na malate dahil yun ang sinulat ko sa goal ko..at ang goal ay tinutupad, di mananatiling goal.
Sana mamaya pagtulog ko, maging mahimbing,para maaga na akong magising...
Para hindi ko mamiss ang magagandang bagay na mangyayari bukas...
Para hindi ako magsisisi na ginawa ko lang ang lahat sa panaginip...
Gisingin nyo ko wah...
Thursday, January 1, 2009
ano ba dapat???
Posted by joiemarie at 10:59 PM 0 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)
